Ang Sining ng Katahimikan
Masyado nang mabilis ang takbo ng mundo para huminto. Wala nang panahon ‘ni isang kisap. Natatakot tayong maiwanan dahil ang maiwan ay mahuhuli at ang mahuhuli ay magiging talunan. Natatakot tayo maging talo kaya’t nakakalimutan na natin maging tao.
Kung kaya mas higit natin kailangan ngayon ang sining ng katahimikan. Ngunit alam pa ba natin tumahimik? Kaya pa ba natin manahimik?
Masyado na ba tayo nasanay sa mga ingay na nagpapaikot sa ating buhay na hindi na natin makilala ang tinig sa katahimikan ng ating puso?
Sa ilang sandali, sama-sama tayong balikan ang sining ng katahimikan.
Producer, Director: Seph Velilla
Executive Producer: Raz de la Torre
Type of Production: Video Reflection
TRT: 3m 58s
BMAS 111 MWX/ AY 2023-2024, 2nd Semester
University of the Philippines-Diliman
College of Mass Communication, Department of Broadcast Communication
